Surah Fāṭir (Ang Lumikha — فاطر) (Talata 8)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




35 Fāṭir(فاطر), Talata 8

أَفَمَنْ زُيِّنَ لَهُ سُوءُ عَمَلِهِ فَرَآهُ حَسَنًا ۖ فَإِنَّ اللَّهَ يُضِلُّ مَنْ يَشَاءُ وَيَهْدِي مَنْ يَشَاءُ ۖ فَلَا تَذْهَبْ نَفْسُكَ عَلَيْهِمْ حَسَرَاتٍ ۚ إِنَّ اللَّهَ عَلِيمٌ بِمَا يَصْنَعُونَ 8 ٨

Kaya [napatnubayan] ba ang sinumang ipinang-akit sa kanya ang kasagwaan ng gawain niya kaya nagturing siya rito bilang maganda, sapagkat tunay na si Allāh ay [makatarungang] nagliligaw sa sinumang niloloob Niya at nagpapatnubay [bilang kabutihang-loob mula sa Kanya] sa sinumang niloloob Niya? Kaya huwag masawi ang sarili mo dahil sa kanila sa mga panghihinayang. Tunay na si Allāh ay Maalam sa anumang niyayari nila. (8)

Tafsīr
Tunay na ang pinaganda sa kanya ng demonyo ang gawain niyang masagwa, kaya naniwala siya na ito ay maganda, ay hindi gaya ng sinumang ipinang-akit sa kanya ni Allāh ang totoo, kaya naniniwala siya na ito ay totoo, sapagkat tunay na si Allāh ay nagliligaw sa sinumang niloloob Niya at nagpapatnubay sa sinumang niloloob Niya. Walang nakapipilit sa Kanya, kaya huwag kang magpahamak, O Sugo, ng sarili mo sa lungkot sa pagkaligaw ng mga naliligaw. Tunay na si Allāh – kaluwalhatian sa Kanya – ay Maalam sa anumang niyayari nila: walang nakakukubli sa Kanya mula sa mga gawa nila na anuman.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba