Surah Yā Sīn (Ya-Sin — يس) (Talata 40)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




36 Yā Sīn(يس), Talata 40

لَا الشَّمْسُ يَنْبَغِي لَهَا أَنْ تُدْرِكَ الْقَمَرَ وَلَا اللَّيْلُ سَابِقُ النَّهَارِ ۚ وَكُلٌّ فِي فَلَكٍ يَسْبَحُونَ 40 ٤٠

Ang araw ay hindi nararapat para rito na umabot sa buwan at ang gabi ay hindi mauuna sa maghapon. Lahat, sa ikutan, ay lumalangoy. (40)

Tafsīr
Ang mga tanda ng araw at buwan at ng gabi at maghapon ay naitakda ayon sa pagtatakda ni Allāh kaya hindi lumalampas ang mga ito sa itinakda para sa mga ito. Ang araw ay hindi maaaring makahabol sa buwan para magpaiba ng daanan nito o mag-alis ng liwanag nito. Ang gabi ay hindi maaaring umuna sa maghapon at pumasok roon bago magwakas ang oras nito. Ang lahat ng mga nilikhang pinagsisilbing ito at iba pa sa mga ito gaya ng mga planeta at mga galaksiya ay mayroong mga daanang natatangi sa mga ito ayon sa pagtatakda ni Allāh at pag-iingat Niya.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba