Surah Yā Sīn (Ya-Sin — يس) (Talata 76)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




36 Yā Sīn(يس), Talata 76

فَلَا يَحْزُنْكَ قَوْلُهُمْ ۘ إِنَّا نَعْلَمُ مَا يُسِرُّونَ وَمَا يُعْلِنُونَ 76 ٧٦

Kaya huwag magpalungkot sa iyo ang sabi nila; tunay na Kami ay nakaaalam sa anumang inililihim nila at anumang inihahayag nila. (76)

Tafsīr
Kaya huwag magpalungkot sa iyo, O Sugo, ang sabi nilang tunay na ikaw ay hindi isinugo o tunay na ikaw ay manunula, at iba pa roon kabilang sa paninirang-puri nila. Tunay na Kami ay nakaaalam sa anumang ikinukubli nila mula roon at anumang inilalantad nila. Walang nakakukubli sa Amin mula roon na anuman at gaganti Kami sa kanila roon.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba