Surah Ṣād (Sad — ص) (Talata 28)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




38 Ṣād(ص), Talata 28

أَمْ نَجْعَلُ الَّذِينَ آمَنُوا وَعَمِلُوا الصَّالِحَاتِ كَالْمُفْسِدِينَ فِي الْأَرْضِ أَمْ نَجْعَلُ الْمُتَّقِينَ كَالْفُجَّارِ 28 ٢٨

O gagawa Kami sa mga sumampalataya at gumawa ng mga maayos gaya ng mga tagagulo sa lupa? O gagawa Kami sa mga tagapangilag magkasala gaya ng mga masamang-loob? (28)

Tafsīr
Hindi gagawin ang mga sumampalataya kay Allāh, sumunod sa Sugo Niya, at gumawa ng mga maayos tulad ng mga tagagulo sa lupa sa pamamagitan ng kawalang-pananampalataya at mga pagsuway. Hindi gagawin ang mga tagapangilag magkasala sa Panginoon nila sa pamamagitan ng pagsunod sa mga ipinag-uutos Niya at pag-iwas sa mga sinasaway Niya tulad ng mga tagatangging sumampalataya at mga mapagpaimbabaw na nakalublob sa mga pagsuway. Tunay ang pagpapantay sa pagitan ng dalawa ay pang-aaping hindi naaangkop kay Allāh – kaluwalhatian sa Kanya at pagkataas-taas Siya. Bagkus gaganti si Allāh sa mga mananampalatayang tagapangilag magkasala sa pamamagitan ng pagpasok sa Hardin at nagpaparusa Siya sa mga tagatangging sumampalatayang malumbay sa pamamagitan ng pagpasok sa Apoy dahil sila ay hindi nagkakapantay sa ganang kay Allāh kaya hindi nagkakapantay ang ganti sa kanila sa ganang Kanya.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba