Surah Az-Zumar (Ang mga Grupo — الزمر) (Talata 20)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




39 Az-Zumar(الزمر), Talata 20

لَٰكِنِ الَّذِينَ اتَّقَوْا رَبَّهُمْ لَهُمْ غُرَفٌ مِنْ فَوْقِهَا غُرَفٌ مَبْنِيَّةٌ تَجْرِي مِنْ تَحْتِهَا الْأَنْهَارُ ۖ وَعْدَ اللَّهِ ۖ لَا يُخْلِفُ اللَّهُ الْمِيعَادَ 20 ٢٠

Subalit ang mga nangilag magkasala sa Panginoon nila, ukol sa kanila ay mga silid na mula sa ibabaw ng mga ito ay may mga silid na ipinatayo [para sa kanila], na dumadaloy mula sa ilalim ng mga ito ang mga ilog. Bilang pangako ni Allāh, hindi sumisira si Allāh sa naipangako. (20)

Tafsīr
Subalit ang mga nangilag magkasala sa Panginoon nila sa pamamagitan ng pagsunod sa mga ipinag-uutos Niya at pag-iwas sa mga sinasaway Niya, ukol sa kanila ay mga tahanang mataas, na ang iba sa mga ito ay nasa ibabaw ng mga iba pa. Dumadaloy mula sa ilalim ng mga ito ang mga ilog. Nangako sa kanila si Allāh niyon bilang pangako. Si Allāh ay hindi sumisira sa naipangako.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba