Surah Az-Zumar (Ang mga Grupo — الزمر) (Talata 29)
Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
Naglahad si Allāh ng isang paghahalintulad na isang lalaki na dito ay may [nagmamay-aring] mga magkatambal na nagbabangayan at isang lalaking nakalaan sa isang amo [na nagmamay-ari sa kanya]. Nagkakapantay kaya silang dalawa sa paghahalintulad? Ang papuri ay ukol kay Allāh. Bagkus ang higit na marami sa kanila ay hindi nakaaalam. (29)
Tafsīr
Naglahad si Allāh ng isang paghahalintulad para sa Mushrik (tagapagtambal kay Allāh) at Muwaḥḥid (naniniwala sa kaisahan ni Allāh). May isang lalaking minamay-ari ng mga magkatambal na naghihidwaan, na kung nagpalugod ito sa iba sa kanila ay nagpagalit naman ito sa iba pa kaya ito ay nasa isang kagitlahanan at pagkalito; at may isang lalaking natatangi para sa isang lalaki lamang na nagmamay-ari rito at nalalaman nito ang ninanais niyon kaya ito ay nasa kapanatagan at katahimikan ng isip. Hindi nagkakapantay ang dalawang lalaking ito. Ang papuri ay ukol kay Allāh. Bagkus ang karamihan sa kanila ay hindi nakaaalam kaya dahil doon ay nagtatambal sila kasama kay Allāh ng iba pa sa Kanya.
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: