Surah Az-Zumar (Ang mga Grupo — الزمر) (Talata 32)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




39 Az-Zumar(الزمر), Talata 32

فَمَنْ أَظْلَمُ مِمَّنْ كَذَبَ عَلَى اللَّهِ وَكَذَّبَ بِالصِّدْقِ إِذْ جَاءَهُ ۚ أَلَيْسَ فِي جَهَنَّمَ مَثْوًى لِلْكَافِرِينَ 32 ٣٢

Kaya sino ang higit na tagalabag sa katarungan kaysa sa sinumang nagsinungaling laban kay Allāh at nagpasinungaling sa katapatan noong dumating [ang kaalamang] ito sa kanya? Hindi ba sa Impiyerno ay may tuluyan para sa mga tagatangging sumampalataya? (32)

Tafsīr
Walang isang higit na tagalabag sa katarungan kaysa sa sinumang nag-ugnay kay Allāh ng hindi nababagay sa Kanya gaya ng katambal, asawa, at anak; at walang isang higit na tagalabag sa katarungan kaysa sa sinumang nagpasinungaling sa kasi na inihatid ng Sugo ni Allāh – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan. Hindi ba sa Apoy ay may kanlungan at tirahan para sa mga tagatangging sumampalataya kay Allāh at sa inihatid ng Sugo Niya? Oo; tunay na ukol sa kanila ay talagang kanlungan at tirahan doon.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba