Surah Az-Zumar (Ang mga Grupo — الزمر) (Talata 36)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




39 Az-Zumar(الزمر), Talata 36

أَلَيْسَ اللَّهُ بِكَافٍ عَبْدَهُ ۖ وَيُخَوِّفُونَكَ بِالَّذِينَ مِنْ دُونِهِ ۚ وَمَنْ يُضْلِلِ اللَّهُ فَمَا لَهُ مِنْ هَادٍ 36 ٣٦

Hindi ba si Allāh ay Tagapagpasapat sa lingkod Niya? Nagpapangamba sila sa iyo sa pamamagitan ng mga [sinasambang] bukod pa sa Kanya. Ang sinumang ililigaw ni Allāh [dahil sa kapalaluan at pagpupumilit sa kasalanan] ay walang ukol dito na anumang tagapagpatnubay. (36)

Tafsīr
Hindi ba si Allāh ay nakasasapat sa lingkod Niya na si Muḥammad – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – sa nauukol sa relihiyon nito at Mundo nito, at tagatulak sa kaaway nito palayo rito? Oo; tunay na Siya ay talagang nakasasapat dito. Nagpapangamba sila sa iyo, O Sugo, dala ng kamangmangan nila at kahunghangan nila dahil sa mga anito na sinasamba nila bukod pa kay Allāh, na magtamo ka ng isang kasagwaan. Ang sinumang itinatwa ni Allāh at hindi itinuon sa kapatnubayan ay walang ukol dito na anumang tagapagpatnubay na papatnubay rito at magtutuon dito.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba