Surah Az-Zumar (Ang mga Grupo — الزمر) (Talata 38)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




39 Az-Zumar(الزمر), Talata 38

وَلَئِنْ سَأَلْتَهُمْ مَنْ خَلَقَ السَّمَاوَاتِ وَالْأَرْضَ لَيَقُولُنَّ اللَّهُ ۚ قُلْ أَفَرَأَيْتُمْ مَا تَدْعُونَ مِنْ دُونِ اللَّهِ إِنْ أَرَادَنِيَ اللَّهُ بِضُرٍّ هَلْ هُنَّ كَاشِفَاتُ ضُرِّهِ أَوْ أَرَادَنِي بِرَحْمَةٍ هَلْ هُنَّ مُمْسِكَاتُ رَحْمَتِهِ ۚ قُلْ حَسْبِيَ اللَّهُ ۖ عَلَيْهِ يَتَوَكَّلُ الْمُتَوَكِّلُونَ 38 ٣٨

Talagang kung nagtanong ka sa kanila kung sino ang lumikha ng mga langit at lupa ay talagang magsasabi nga silang si Allāh. Sabihin mo: “Kaya nagsaalang-alang ba kayo sa dinadalanginan ninyo bukod pa kay Allāh? Kung nagnais sa akin si Allāh ng isang pinsala, sila kaya ay makapag-aalis ng pinsala Niya? O kung nagnais Siya sa akin ng awa, sila kaya ay makapipigil ng awa Niya?” Sabihin mo: “Kasapatan sa akin si Allāh. Sa Kanya nananalig ang mga nananalig.” (38)

Tafsīr
Talagang kung nagtanong ka, O Sugo, sa mga tagapagtambal na ito kung sino ang lumikha ng mga langit at lupa ay talagang magsasabi nga silang lumikha sa mga ito si Allāh. Sabihin mo bilang paglalantad sa kawalang-kakayahan ng mga diyos nila: "Magpabatid kayo sa akin tungkol sa mga anitong ito na sinasamba ninyo bukod pa kay Allāh? Kung nagnais si Allāh na magpatama sa akin ng isang pinsala, makapagsasagawa kaya sila ng pag-aalis ng pinsala Niya sa akin? O kung nagnais sa ang Panginoon ko na gumawad sa akin ng isang awa mula sa Kanya, makakakaya ka kaya ng pagkakait ng awa Niya sa akin?" Sabihin mo sa kanila: "Kasapatan sa akin si Allāh lamang. Sa Kanya ako umaasa sa mga nauukol sa akin sa kabuuan ng mga ito at sa Kanya lamang umaasa ang mga nananalig."

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba