Surah Az-Zumar (Ang mga Grupo — الزمر) (Talata 46)
Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
Sabihin mo: “O Allāh, Tagapaglalang ng mga langit at lupa, Tagaalam sa nakalingid at nasasaksihan, Ikaw ay humahatol sa pagitan ng mga lingkod Mo sa anumang dati silang nagkakaiba-iba.” (46)
Tafsīr
Sabihin mo, O Sugo: "O Allāh, Tagalikha ng mga langit at lupa nang walang pagkakatulad na nauna, Nakaaalam sa anumang nalingid at anumang nakadalo, walang nakakukubli sa Iyo na anuman mula roon. Ikaw lamang ay nagpapasya sa pagitan ng mga lingkod Mo sa Araw ng Pagbangon sa anumang sila dati ay nagkakaiba-iba sa Mundo para liwanagin Mo ang nagtototoo at ang nagbubulaan, at ang maligaya at ang malumbay."
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: