Surah Az-Zumar (Ang mga Grupo — الزمر) (Talata 47)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




39 Az-Zumar(الزمر), Talata 47

وَلَوْ أَنَّ لِلَّذِينَ ظَلَمُوا مَا فِي الْأَرْضِ جَمِيعًا وَمِثْلَهُ مَعَهُ لَافْتَدَوْا بِهِ مِنْ سُوءِ الْعَذَابِ يَوْمَ الْقِيَامَةِ ۚ وَبَدَا لَهُمْ مِنَ اللَّهِ مَا لَمْ يَكُونُوا يَحْتَسِبُونَ 47 ٤٧

Kung sakaling taglay ng mga lumabag sa katarungan ang anumang nasa lupa nang lahatan at tulad nito kasama rito, talaga sanang tumubos sila [sa mga sarili para maligtas] sa pamamagitan nito mula sa kasagwaan ng pagdurusa sa Araw ng Pagbangon. Matatambad para sa kanila mula kay Allāh ang hindi nila dati aakalain. (47)

Tafsīr
Kung sakaling taglay ng mga lumabag sa katarungan sa mga sarili nila dahil sa shirk at mga pagsuway ang anumang nasa lupa na mga mamahaling bagay, mga yaman, at iba pa sa mga ito at tulad doon kasama niyon nang pinag-ibayong ulit, talaga sanang tumubos sila [sa mga sarili] sa pamamagitan niyon mula sa pagdurusang matindi na masasaksihan nila matapos ng pagbuhay sa kanila, subalit hindi nila taglay iyon. Kahit ipinagpalagay pa na iyon ay taglay nila, hindi tatanggapin iyon mula sa kanila. May lilitaw sa kanila mula kay Allāh na mga uri ng pagdurusa, na hindi nila noon inaasahan.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba