Surah Az-Zumar (Ang mga Grupo — الزمر) (Talata 5)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




39 Az-Zumar(الزمر), Talata 5

خَلَقَ السَّمَاوَاتِ وَالْأَرْضَ بِالْحَقِّ ۖ يُكَوِّرُ اللَّيْلَ عَلَى النَّهَارِ وَيُكَوِّرُ النَّهَارَ عَلَى اللَّيْلِ ۖ وَسَخَّرَ الشَّمْسَ وَالْقَمَرَ ۖ كُلٌّ يَجْرِي لِأَجَلٍ مُسَمًّى ۗ أَلَا هُوَ الْعَزِيزُ الْغَفَّارُ 5 ٥

Lumikha Siya ng mga langit at lupa ayon sa katotohanan. Nagpupulupot Siya ng gabi sa maghapon at nagpupulupot Siya ng maghapon sa gabi. Nagpasilbi Siya ng araw at buwan; bawat isa ay umiinog para sa isang taning na tinukoy. Pansinin, Siya ay ang Makapangyarihan, ang Palapatawad. (5)

Tafsīr
Lumikha Siya ng mga langit at lupa dahil sa isang kasanhiang malalim, hindi dahil sa isang paglalaru-laro gaya ng sinasabi ng mga tagalabag sa katarungan. Nagpapapasok Siya ng gabi sa maghapon at nagpapapasok Siya ng maghapon sa gabi sapagkat kapag dumating ang isa sa dalawa ay naglalaho ang isa pa. Pinaamo Niya ang araw at pinaamo Niya ang buwan. Bawat isa sa dalawa ay umiinog para sa isang taning na itinakda, ang pagwawakas ng buhay na ito. Pansinin, Siya – kaluwalhatian sa Kanya – ay ang Makapangyarihan na naghihiganti sa mga kaaway Niya at walang nakikipanaig sa Kanya na isa man, ang Palapatawad sa mga pagkakasala ng sinumang nagbalik-loob kabilang sa mga lingkod Niya.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba