Surah Az-Zumar (Ang mga Grupo — الزمر) (Talata 75)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




39 Az-Zumar(الزمر), Talata 75

وَتَرَى الْمَلَائِكَةَ حَافِّينَ مِنْ حَوْلِ الْعَرْشِ يُسَبِّحُونَ بِحَمْدِ رَبِّهِمْ ۖ وَقُضِيَ بَيْنَهُمْ بِالْحَقِّ وَقِيلَ الْحَمْدُ لِلَّهِ رَبِّ الْعَالَمِينَ 75 ٧٥

Makikita mo ang mga anghel na nakapalibot sa paligid ng Trono, habang nagluluwalhati kalakip ng pagpupuri sa Panginoon nila. Huhusga sa pagitan nila [na mga nilikha] ayon sa katotohanan at sasabihin: “Ang papuri ay ukol kay Allāh, ang Panginoon ng mga nilalang.” (75)

Tafsīr
Ang mga anghel sa Araw na sasaksihang ito ay mga nakapalibot sa Trono, habang nagpapawalang-kapintasan kay Allāh sa anumang hindi nababagay sa Kanya mula sa mga sinasabi ng mga tagatangging sumampalataya. Huhusga si Allāh sa pagitan ng lahat ng mga nilikha ayon sa katarungan, kaya pararangalan Niya ang sinumang pararangalan Niya at pagdurusahin Niya ang sinumang pagdurusahin Niya. Sasabihin: "Ang papuri ay ukol kay Allāh, ang Panginoon ng mga nilikha dahil sa kahatulan Niya sa pamamagitan ng paghatol Niya ng awa para sa mga lingkod Niyang mga mananampalataya at ng pagdurusa para sa mga lingkod Niyang mga tagatangging sumampalataya."

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba