Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
Kung tatanggi kayong sumampalataya, tunay na si Allāh ay Walang-pangangailangan sa inyo at hindi Siya nalulugod para sa mga lingkod Niya sa kawalang-pananampalataya. Kung magpapasalamat kayo ay malulugod Siya roon para sa inyo. Hindi magpapasan ang isang tagapasan ng pasanin ng iba. Pagkatapos tungo sa Panginoon ninyo ang babalikan ninyo saka magbabalita Siya sa inyo hinggil sa anumang dati ninyong ginagawa. Tunay na Siya ay Maalam sa laman ng mga dibdib. (7)
Tafsīr
Kung tatanggi kayong sumampalataya, O mga tao, sa Panginoon ninyo, tunay na Siya ay Walang-pangangailangan sa pananampalataya ninyo, hindi nakapipinsala sa Kanya ang kawalang-pananampalataya ninyo, at ang kapinsalaan ng kawalang-pananampalataya ninyo ay manunumbalik sa inyo lamang. Hindi Siya nalulugod para sa mga lingkod Niya na tumanggi silang sumampalataya sa Kanya at hindi Siya nag-uutos sa kanila ng kawalang-pananampalataya dahil Siya ay hindi nag-uutos ng kahalayan at nakasasama. Kung magpapasalamat kayo kay Allāh sa mga biyaya Niya at sasampalataya kayo sa Kanya ay malulugod Siya sa pasasalamat ninyo at maggagantimpala Siya sa inyo dahil dito. Hindi magpapasan ang isang kaluluwa ng pagkakasala ng ibang kaluluwa. Bagkus bawat kaluluwa sa nakamit niya ay nakasangla. Pagkatapos tungo sa Panginoon ninyo lamang ang babalikan ninyo sa Araw ng Pagbangon saka magpapabatid Siya sa inyo hinggil sa anumang dati ninyong ginagawa sa Mundo at gaganti Siya sa mga gawa ninyo. Tunay na Siya – kaluwalhatian sa Kanya – ay Maalam sa anumang nasa mga puso ng mga lingkod Niya: walang nakakukubli sa Kanya na anuman mula sa anumang nasa mga ito.
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: