Surah An-Nisā’ (Ang mga Kababaihan — النساء) (Talata 102)
Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
Kapag ikaw ay nasa kanila [sa labanan] saka namuno ka sa kanila sa pagdarasal, tumayo ang isang pangkatin kabilang sa kanila kasama sa iyo at magdala sila ng mga sandata nila. Kapag nagpatirapa sila, sila ay maging nasa likuran ninyo, pumunta ang isa pang pangkatin na hindi nakapagdasal at magdasal sila kasama sa iyo, at magdala sila ng pag-iingat nila at mga sandata nila. Nag-asam ang mga tumangging sumampalataya na kung sana nalilingat kayo sa mga sandata ninyo at mga dala-dalahan ninyo at susugod sila sa inyo nang nag-iisang pagsugod. Walang maisisisi sa inyo kung mayroon kayong isang kapinsalaan mula sa ulan o kayo ay mga may-sakit, na maglapag kayo ng mga sandata ninyo ngunit magdala kayo ng pag-iingat ninyo. Tunay na si Allāh ay naghanda para sa mga tagatangging sumampalataya ng isang pagdurusang manghahamak. (102)
Tafsīr
Kapag ikaw, O Sugo, ay nasa hukbo sa oras ng pakikipaglaban sa kaaway at nagnais ka na mamuno sa dasal sa kanila, hatiin mo ang hukbo sa dalawang lipon. Tatayo ang isang lipon mula sa kanila, na magdarasal kasama sa iyo. Magdala sila ng mga sandata nila kasama sa kanila sa pagdarasal nila at ang iba namang lipon ay maging nasa pagtatanod ninyo. Kapag nakapagdasal ang unang lipon ng isang rak`ah kasama sa imām, lulubusin nito para sa sarili nito ang dasal. Kapag nakapagdasal sila, sila ay maging nasa likuran ninyo paharap sa kaaway at pumunta naman ang lipon na dating nasa pagtatanod at hindi pa nakapagdasal saka magdasal ng isang rak`ah kasama sa imām. Kapag bumati ng salām ang imām, lulubusin nila ang natira sa dasal nila. Magsasagawa sila ng pag-iingat nila laban sa kaaway nila at bumitbit sila ng mga sandata nila sapagkat tunay na ang mga tumangging sumampalataya ay nagmimithi na malingat kayo sa mga sandata ninyo at mga dala-dalahan ninyo kapag nagdasal kayo kaya sasalakay sila sa inyo nang nag-iisang pagsalakay at dadaklot sila sa inyo sa pagkalingat ninyo. Walang kasalanan sa inyo, kung may tumama sa inyo na isang kapinsalaan dahilan sa ulan o kayo ay mga may-sakit at tulad nito, na maglapag kayo ng mga sandata ninyo para hindi kayo bumitbit ng mga ito. Mag-ingat kayo laban sa kaaway ninyo ayon sa makakaya ninyo. Tunay na si Allāh ay naglaan para sa mga tagatangging sumampalataya ng isang pagdurusang mang-aaba sa kanila.
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: