Surah An-Nisā’ (Ang mga Kababaihan — النساء) (Talata 103)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




4 An-Nisā’(النساء), Talata 103

فَإِذَا قَضَيْتُمُ الصَّلَاةَ فَاذْكُرُوا اللَّهَ قِيَامًا وَقُعُودًا وَعَلَىٰ جُنُوبِكُمْ ۚ فَإِذَا اطْمَأْنَنْتُمْ فَأَقِيمُوا الصَّلَاةَ ۚ إِنَّ الصَّلَاةَ كَانَتْ عَلَى الْمُؤْمِنِينَ كِتَابًا مَوْقُوتًا 103 ١٠٣

Kaya kapag nagwakas kayo sa pagdarasal ay bumanggit kayo kay Allāh nang nakatayo, o nakaupo, o [nakahiga] sa mga tagiliran ninyo. Kaya kapag napanatag kayo ay magpanatili kayo ng pagdarasal. Tunay na ang pagdarasal, laging para sa mga mananampalataya, ay isang atas na tinakdaan ng panahon. (103)

Tafsīr
Kaya kapag nakatapos kayo, O mga mananampalataya, mula sa pagdarasal ay bumanggit kayo kay Allāh sa pamamagitan ng tasbīḥ (pagsabi ng subḥāna -llāh), taḥmīd (pagsabi ng alḥamdu li-llāh), at tahlīl (lā ilāha illa -llāh) sa lahat ng mga kalagayan: nakatayo, nakaupo, o [nakahiga] sa mga tagiliran ninyo. Kaya kapag naglaho sa inyo ang pangamba at natiwasay kayo ay magsagawa kayo ng pagdarasal nang lubusan kalakip ng mga saligan nito, mga kinakailangan dito, at mga itinuturing na kaibig-ibig dito ayon sa ipinag-utos sa inyo. Tunay na ang pagdarasal, laging para sa mga mananampalataya, ay isang tungkuling tinakdaan ng isang panahon, na hindi pinapayagan ang pagpapahuli nito malibang dahil sa isang tanggap na kadahilanan. Ito ay sa sandali ng paninirahan. Sa sandali naman ng paglalakbay, ukol sa inyo ang pagsasama at ang pagpapaiksi.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba