Surah An-Nisā’ (Ang mga Kababaihan — النساء) (Talata 105)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




4 An-Nisā’(النساء), Talata 105

إِنَّا أَنْزَلْنَا إِلَيْكَ الْكِتَابَ بِالْحَقِّ لِتَحْكُمَ بَيْنَ النَّاسِ بِمَا أَرَاكَ اللَّهُ ۚ وَلَا تَكُنْ لِلْخَائِنِينَ خَصِيمًا 105 ١٠٥

Tunay na Kami ay nagpababa sa iyo ng Aklat kalakip ng katotohanan upang humatol ka sa pagitan ng mga tao sa pamamagitan ng ipinakita sa iyo ni Allāh. Huwag ka, para sa mga taksil, maging isang kaalitan. (105)

Tafsīr
Tunay na Kami ay nagpababa sa iyo, O Sugo, ng Qur'ān na naglalaman ng katotohanan upang magpasya ka sa pagitan ng mga tao sa lahat ng mga nauukol sa kanila sa pamamagitan ng itinuro Namin sa iyo at ikinasi Namin sa iyo, hindi sa pamamagitan ng pithaya mo at pananaw mo. Huwag ka, para sa mga taksil sa mga sarili nila at ipinagkatiwala sa kanila, maging isang tagapagtanggol na magsasanggalang sa kanila sa sinumang tutugis sa kanila ayon sa katotohanan.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba