Surah An-Nisā’ (Ang mga Kababaihan — النساء) (Talata 109)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




4 An-Nisā’(النساء), Talata 109

هَا أَنْتُمْ هَٰؤُلَاءِ جَادَلْتُمْ عَنْهُمْ فِي الْحَيَاةِ الدُّنْيَا فَمَنْ يُجَادِلُ اللَّهَ عَنْهُمْ يَوْمَ الْقِيَامَةِ أَمْ مَنْ يَكُونُ عَلَيْهِمْ وَكِيلًا 109 ١٠٩

Kayo itong nakipagtalo para sa kanila sa buhay na pangmundo, ngunit sino ang makikipagtalo kay Allāh para sa kanila sa Araw ng Pagbangon, o sino ang sa kanila ay magiging isang pinananaligan? (109)

Tafsīr
Kayo, O mga nagpapahalaga sa nauukol sa mga gumagawa na ito ng krimen, ay nakipag-alitan para sa kanila sa buhay na makamundo upang magpatunay kayo sa pagkainosente nila at magsanggalang kayo sa kanila sa kaparusahan, ngunit sino ang makikipagtalo kay Allāh para sa kanila sa Araw ng Pagbangon gayong nalaman nga Niya ang reyalidad ng kalagayan nila? Sino ang magiging isang pinananaligan para sa kanila sa Araw na iyon? Walang duda na hindi kakayanin ng isa iyon.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba