Surah An-Nisā’ (Ang mga Kababaihan — النساء) (Talata 115)
Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
Ang sinumang nakikipaghidwaan sa Sugo matapos na luminaw para sa kanya ang patnubay at sumusunod sa iba pa sa landas ng mga mananampalataya, magtutuon Kami sa kanya sa tinuunan niya at magsusunog Kami sa kanya Impiyerno. Kay sagwa ito bilang kahahantungan! (115)
Tafsīr
Ang sinumang nakikipagmatigasan sa Sugo at sumasalungat dito sa inihatid nito nang matapos na lumiwanag para sa kanya ang katotohanan at sumusunod sa daang iba pa sa daan ng mga mananampalataya, mag-iiwan Kami sa kanya kasama ng pinili niya para sa sarili niya, hindi Kami magtutuon sa kanya sa katotohanan dahil sa pag-ayaw niya nang sadyaan, at magpapasok Kami sa kanya sa apoy ng Impiyerno upang magdusa sa init nito. Kay sagwa ito bilang uwian sa mga mananahan doon!
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: