Surah An-Nisā’ (Ang mga Kababaihan — النساء) (Talata 125)
Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
Sino ang higit na maganda sa relihiyon kaysa sa sinumang nagpasakop ng mukha niya kay Allāh habang siya ay tagagawa ng maganda at sumunod sa kapaniwalaan ni Abraham bilang makatotoo. Gumawa si Allāh kay Abraham bilang matalik na kaibigan. (125)
Tafsīr
Walang isang higit na maganda sa relihiyon kaysa sa kanya na sumuko kay Allāh nang sa panlabas at panloob, nagpakawagas ng layunin niya alang-alang kay Allāh, nagpakahusay sa gawain niya sa pamamagitan ng pagsunod sa isinabatas ni Allāh, at sumunod sa relihiyon ni Abraham na siyang ugat ng relihiyon ni Muḥammad – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – habang lumilihis palayo sa Shirk at kawalang-pananampalataya patungo sa Tawḥīd at pananampalataya. Nagtangi si Allāh sa propeta Niyang si Abraham – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan – dahil sa lubos na pag-ibig higit sa kalahatan ng mga nilikha Niya.
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: