Surah An-Nisā’ (Ang mga Kababaihan — النساء) (Talata 127)
Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
Nagpapahabilin sila sa iyo hinggil sa mga babae. Sabihin mo: “Si Allāh ay naghahabilin sa inyo hinggil sa kanila at sa anumang binibigkas sa inyo sa Aklat hinggil sa mga ulila sa mga babae na hindi kayo nagbibigay sa kanila ng itinakda para sa kanila at nagmimithi kayo na makapag-asawa kayo sa kanila, at sa mga sinisiil kabilang sa mga bata, at na magtaguyod kayo para sa mga ulila ayon sa pagkamakatarungan.” Ang anumang ginagawa ninyo na kabutihan, tunay na si Allāh laging dito ay Maalam. (127)
Tafsīr
Nagtatanong sila sa iyo, O Sugo, hinggil sa usapin ng mga babae at anumang kinakailangang karapatan nila at tungkulin nila. Sabihin mo: "Si Allāh ay naglilinaw para sa inyo ng tinanong ninyo. Naglilinaw Siya para sa inyo ng binibigkas sa inyo sa Qur'ān hinggil sa nauukol sa mga ulila kabilang sa mga babae na nasa ilalim ng pagtangkilik ninyo. Hindi kayo nagbibigay sa kanila ng itinakda ni Allāh para sa kanila na bigay-kaya o pamana. Hindi kayo nagnanais ng pagpapakasal sa kanila at pumipigil kayo sa kanila sa pagpapakasal dala ng pag-iimbot sa mga ari-arian nila. Naglilinaw Siya sa inyo ng kinakailangan sa mga sinisiil kabilang sa mga bata gaya ng pagbibigay sa kanila ng karapatan nila mula sa pamana, at na huwag kayong lumabag sa kanila sa katarungan sa pamamagitan ng pag-angkin sa mga ari-arian nila. Naglilinaw Siya sa inyo ng pagkatungkulin ng pagtataguyod sa mga ulila ayon sa katarungan sa anumang nakabubuti sa nauukol sa kanila sa Mundo at Kabilang-buhay." Ang anumang ginagawa ninyo na kabutihan para sa mga ulila at iba pa sa kanila, tunay na si Allāh ay Maalam dito. Gaganti Siya sa inyo dahil dito.
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: