Surah An-Nisā’ (Ang mga Kababaihan — النساء) (Talata 136)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




4 An-Nisā’(النساء), Talata 136

يَا أَيُّهَا الَّذِينَ آمَنُوا آمِنُوا بِاللَّهِ وَرَسُولِهِ وَالْكِتَابِ الَّذِي نَزَّلَ عَلَىٰ رَسُولِهِ وَالْكِتَابِ الَّذِي أَنْزَلَ مِنْ قَبْلُ ۚ وَمَنْ يَكْفُرْ بِاللَّهِ وَمَلَائِكَتِهِ وَكُتُبِهِ وَرُسُلِهِ وَالْيَوْمِ الْآخِرِ فَقَدْ ضَلَّ ضَلَالًا بَعِيدًا 136 ١٣٦

O mga sumampalataya, sumampalataya kayo kay Allāh, sa Sugo Niya, sa Aklat na ibinaba Niya sa Sugo Niya, at sa Kasulatang pinababa Niya bago pa niyan. Ang sinumang tumatangging sumampalataya kay Allāh, sa mga anghel Niya, sa mga aklat Niya, sa mga sugo Niya, at sa Huling Araw ay naligaw nga sa isang pagkaligaw na malayo. (136)

Tafsīr
O mga sumampalataya, magpakatatag kayo sa pananampalataya ninyo kay Allāh, sa Sugo Niya, sa Qur'ān na pinababa Niya sa Sugo Niya, at sa mga kasulatang pinababa Niya sa mga sugo bago pa nito. Ang sinumang tumatangging sumampalataya kay Allāh, sa mga anghel Niya, sa mga aklat Niya, sa mga sugo Niya, at sa Araw ng Pagbangon ay nalayo nga sa daang tuwid nang pagkakalayong sukdulan.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba