Surah An-Nisā’ (Ang mga Kababaihan — النساء) (Talata 137)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




4 An-Nisā’(النساء), Talata 137

إِنَّ الَّذِينَ آمَنُوا ثُمَّ كَفَرُوا ثُمَّ آمَنُوا ثُمَّ كَفَرُوا ثُمَّ ازْدَادُوا كُفْرًا لَمْ يَكُنِ اللَّهُ لِيَغْفِرَ لَهُمْ وَلَا لِيَهْدِيَهُمْ سَبِيلًا 137 ١٣٧

Tunay na ang mga sumampalataya, pagkatapos tumangging sumampalataya, pagkatapos sumampalataya, pagkatapos tumangging sumampalataya, pagkatapos nadagdagan ng kawalang-pananampalataya, hindi mangyayaring si Allāh ay ukol magpatawad sa kanila at hindi ukol magpatnubay sa kanila sa isang landas. (137)

Tafsīr
Tunay na ang mga naulit-ulit sa kanila ang kawalang-pananampalataya matapos ang pananampalataya dahil pumasok sila sa pananampalataya, pagkatapos tumalikod sila rito, pagkatapos pumasok sila rito, pagkatapos tumalikod sila rito, at nagpumilit sila sa kawalang-pananampalataya at namatay sila rito, hindi mangyayaring si Allāh ay ukol magpatawad sa kanila sa mga pagkakasala nila at hindi ukol magtuon sa kanila sa daang tuwid na magpaparating tungo sa Kanya – pagkataas-taas Siya.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba