Surah An-Nisā’ (Ang mga Kababaihan — النساء) (Talata 13)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




4 An-Nisā’(النساء), Talata 13

تِلْكَ حُدُودُ اللَّهِ ۚ وَمَنْ يُطِعِ اللَّهَ وَرَسُولَهُ يُدْخِلْهُ جَنَّاتٍ تَجْرِي مِنْ تَحْتِهَا الْأَنْهَارُ خَالِدِينَ فِيهَا ۚ وَذَٰلِكَ الْفَوْزُ الْعَظِيمُ 13 ١٣

Iyon ay ang mga hangganan ni Allāh. Ang sinumang tumatalima kay Allāh at sa Sugo Niya ay magpapapasok Siya sa mga hardin na dumadaloy mula sa ilalim ng mga ito ang mga ilog bilang mga mananatili sa mga ito. Iyon ay ang pagkatamong sukdulan. (13)

Tafsīr
Iyon ang mga patakarang nabanggit hinggil sa nauukol sa mga ulila at iba pa sa kanila at ang mga batas ni Allāh na isinabatas Niya para sa mga lingkod Niya upang isagawa nila. Ang sinumang tumatalima kay Allāh at sa Sugo Niya sa pamamagitan ng pagsunod sa mga ipinag-uutos nito at pag-iwas sa mga sinasaway nito ay magpapapasok si Allāh sa mga hardin na dumadaloy mula sa ilalim ng mga palasyo ng mga ito ang mga ilog bilang mga mamamalagi sa mga ito: hindi magpaparanas sa kanila ng pagkalipol. Ang ganting makadiyos na iyon ay ang tagumpay na sukdulan na hindi nakahahawig ng [ibang] tagumpay.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba