Surah An-Nisā’ (Ang mga Kababaihan — النساء) (Talata 140)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




4 An-Nisā’(النساء), Talata 140

وَقَدْ نَزَّلَ عَلَيْكُمْ فِي الْكِتَابِ أَنْ إِذَا سَمِعْتُمْ آيَاتِ اللَّهِ يُكْفَرُ بِهَا وَيُسْتَهْزَأُ بِهَا فَلَا تَقْعُدُوا مَعَهُمْ حَتَّىٰ يَخُوضُوا فِي حَدِيثٍ غَيْرِهِ ۚ إِنَّكُمْ إِذًا مِثْلُهُمْ ۗ إِنَّ اللَّهَ جَامِعُ الْمُنَافِقِينَ وَالْكَافِرِينَ فِي جَهَنَّمَ جَمِيعًا 140 ١٤٠

Nagbaba nga Siya sa inyo sa Aklat na kapag nakarinig kayo sa mga tanda ni Allāh ay tinatanggihang sumampalataya sa mga ito at nangungutya sa mga ito. Kaya huwag kayong umupo kasama sa kanila hanggang sa tumalakay sila ng isang pag-uusap na iba roon. Tunay na kayo, samakatuwid, ay tulad nila. Tunay na si Allāh ay magtitipon sa mga mapagpaimbabaw at mga tagatangging sumampalataya sa Impiyerno nang lahatan, (140)

Tafsīr
Nagbaba nga si Allāh sa inyo, O mga mananampalataya, sa Marangal na Qur'ān na kapag naupo kayo sa isang pagtitipon at nakarinig kayo roon ng sinumang tumatangging sumampalataya sa mga tanda ni Allāh at nangungutya sa mga ito ay kinakailangan sa inyo ang pag-iwan sa pagkakaupo kasama sa kanila at ang paglisan sa pakikisalamuha sa kanila, hanggang sa mag-usap sila ng isang pag-uusap na hindi kawalang-pananampalataya sa mga tanda ni Allāh at pangungutya sa mga ito. Tunay na kayo – kapag nakisalamuha kayo sa kanila sa sandali ng kawalang-pananampalataya sa mga tanda ni Allāh at pangungutya sa mga ito – matapos ng pagkarinig ninyong iyon ay tulad nila sa pagsalungat sa utos ni Allāh dahil kayo ay sumuway kay Allāh dahil sa pag-upo ninyo kung paanong sumuway sila kay Allāh dahil sa kawalang-pananampalataya nila. Tunay na si Allāh ay magtitipon sa mga mapagpaimbabaw, na naglalantad ng pag-anib sa Islām at nagkukubli ng kawalang-pananampalataya, kasama sa mga tagatangging sumampalataya sa apoy ng Impiyerno sa Araw ng Pagbangon.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba