Surah An-Nisā’ (Ang mga Kababaihan — النساء) (Talata 143)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




4 An-Nisā’(النساء), Talata 143

مُذَبْذَبِينَ بَيْنَ ذَٰلِكَ لَا إِلَىٰ هَٰؤُلَاءِ وَلَا إِلَىٰ هَٰؤُلَاءِ ۚ وَمَنْ يُضْلِلِ اللَّهُ فَلَنْ تَجِدَ لَهُ سَبِيلًا 143 ١٤٣

na mga umuurung-sulong sa pagitan niyon: hindi patungo sa mga [mananampalataya ito] ito at hindi patungo sa mga [tagatangging sumampalatayang] iyan. Ang sinumang ililigaw ni Allāh ay hindi ka makatatagpo para sa kanya ng isang landas. (143)

Tafsīr
Ang mga mapagpaimbabaw na ito ay mga nag-aatubili dahil sa kalituhan kaya hindi sila kasama sa mga mananampalataya sa panlabas at panloob ni kasama sa mga tagatangging sumampalataya, bagkus ang panlabas nila ay kasama sa mga mananampalataya at ang panloob nila ay kasama sa mga tagatangging sumampalataya. Ang sinumang pinaligaw ni Allāh ay hindi ka makatatagpo para sa kanya, O Sugo, ng isang daan para sa kapatnubayan niya mula sa pagkaligaw.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba