Surah An-Nisā’ (Ang mga Kababaihan — النساء) (Talata 153)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




4 An-Nisā’(النساء), Talata 153

يَسْأَلُكَ أَهْلُ الْكِتَابِ أَنْ تُنَزِّلَ عَلَيْهِمْ كِتَابًا مِنَ السَّمَاءِ ۚ فَقَدْ سَأَلُوا مُوسَىٰ أَكْبَرَ مِنْ ذَٰلِكَ فَقَالُوا أَرِنَا اللَّهَ جَهْرَةً فَأَخَذَتْهُمُ الصَّاعِقَةُ بِظُلْمِهِمْ ۚ ثُمَّ اتَّخَذُوا الْعِجْلَ مِنْ بَعْدِ مَا جَاءَتْهُمُ الْبَيِّنَاتُ فَعَفَوْنَا عَنْ ذَٰلِكَ ۚ وَآتَيْنَا مُوسَىٰ سُلْطَانًا مُبِينًا 153 ١٥٣

Humihiling sa iyo ang mga May Kasulatan na magbaba ka sa kanila ng isang kasulatan mula sa langit, sapagkat humiling nga sila kay Moises ng higit na malaki kaysa roon sapagkat nagsabi sila: “Ipakita mo sa amin si Allāh nang hayagan,” kaya dumaklot sa kanila ang lintik dahil sa kawalang-katarungan nila. Pagkatapos gumawa sila sa guya [bilang diyus-diyusan] matapos na dumating sa kanila ang mga malinaw na patunay, ngunit nagpaumanhin Kami niyon. Nagbigay Kami kay Moises ng isang katunayang malinaw. (153)

Tafsīr
Humihiling sa iyo, O Sugo, ang mga Hudyo na magbaba ka sa kanila ng isang kasulatan mula sa langit sa iisang kabuuan gaya ng naganap kay Moises, na magiging isang palatandaan ng katapatan mo. Huwag mong mabigatin sa kanila iyon sapagkat humiling na ang mga ninuno nila kay Moises ng higit na mabigat kaysa sa hiniling sa iyo ng mga ito yayamang humiling sila sa kanya na ipakita niya sa kanila si Allāh sa mga mata kaya nalintikan sila bilang parusa para sa kanila sa nagawa nila. Pagkatapos nagbigay-buhay sa kanila si Allāh ngunit sumamba sila sa guya bukod pa kay Allāh nang matapos na dumating sa kanila ang mga tandang maliwanag na nagpapatunay sa kaisahan ni Allāh at pamumukod-tangi Niya sa pagkapanginoon at pagkadiyos. Pagkatapos nagpalampas si Allāh sa kanila. Nagbigay si Allāh kay Moises ng isang katwirang maliwanag sa mga tao niya.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba