Surah An-Nisā’ (Ang mga Kababaihan — النساء) (Talata 157)
Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
at sa pagsabi nila: “Tunay na kami ay pumatay sa Kristo Jesus na anak ni Maria, na Sugo ni Allāh.” Hindi sila nakapatay sa kanya at hindi sila nagpako sa kanya sa krus subalit may pinahawig sa kanya para sa kanila. Tunay na ang mga nagkaiba-iba hinggil sa kanya ay talagang nasa isang pagdududa hinggil sa kanya. Walang ukol sa kanila hinggil sa kanya na anumang kaalaman maliban sa pagsunod sa palagay. Hindi sila nakapatay sa kanya sa katiyakan, (157)
Tafsīr
Isinumpa sila dahil sa pagsabi nila habang mga nagmamayabang sa pagsisinungaling: "Tunay na kami ay pumatay sa Kristo Jesus na anak ni Maria, na Sugo ni Allāh." Hindi sila nakapatay sa kanya gaya ng inangkin nila at hindi nila siya naipako sa krus subalit nakapatay sila ng isang lalaking pinukulan ni Allāh ng pagkakahawig kay Jesus – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan. Naipako nila ito sa krus saka nagpalagay sila na ang napatay ay si Jesus – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan. Ang mga nag-angkin ng pagkapatay sa kanya ay kabilang sa mga Hudyo at mga nagsuko sa kanya sa kanila kabilang sa mga Kristiyano. Ang kapwa pangkat ay nasa isang kalituhan sa lagay niya at isang pagdududa sapagkat wala silang kaalaman hinggil sa kanya. Sumusunod lamang sila sa palagay. Tunay na ang palagay ay hindi nakasasapat sa katotohanan sa anuman. Hindi sila nakapatay kay Jesus at hindi sila nagpako sa kanya sa krus, sa katiyakan!
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: