Surah An-Nisā’ (Ang mga Kababaihan — النساء) (Talata 15)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




4 An-Nisā’(النساء), Talata 15

وَاللَّاتِي يَأْتِينَ الْفَاحِشَةَ مِنْ نِسَائِكُمْ فَاسْتَشْهِدُوا عَلَيْهِنَّ أَرْبَعَةً مِنْكُمْ ۖ فَإِنْ شَهِدُوا فَأَمْسِكُوهُنَّ فِي الْبُيُوتِ حَتَّىٰ يَتَوَفَّاهُنَّ الْمَوْتُ أَوْ يَجْعَلَ اللَّهُ لَهُنَّ سَبِيلًا 15 ١٥

Ang mga gumagawa ng mahalay [na pangangalunya] kabilang sa kababaihan ninyo ay magpasaksi kayo laban sa kanila sa apat [na saksi] kabilang sa inyo. Kaya kung sumaksi ang mga iyon ay panatilihin ninyo sila sa mga bahay hanggang sa magpapanaw sa kanila ang kamatayan o gumawa si Allāh para sa kanila ng isang [ibang] landas. (15)

Tafsīr
Ang mga gumagawa ng kahalayan ng pangangalunya kabilang sa kababaihan ninyo, na mga nakapag-asawa at mga hindi nakapag-asawa, ay magpasaksi kayo laban sa kanila sa apat na lalaking Muslim na makatarungan kabilang sa inyo. Kaya kung sumaksi ang mga iyon laban sa kanila sa pagkakagawa nito ay ikulong ninyo sila sa mga bahay bilang kaparusahan sa kanila hanggang sa magwakas ang buhay nila sa kamatayan o gumawa si Allāh para sa kanila ng isang daan na hindi daan ng pagkukulong. Pagkatapos nilinaw ni Allāh para sa kanila ang paraan matapos niyon sapagkat nagsabatas Siya ng [parusang] paghagupit sa birheng nangalunya ng isandaang hagupit at pagpapatapon ng isang taon, at [ng parusang] pagbabato naman sa babaing nakapag-asawa.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba