Surah An-Nisā’ (Ang mga Kababaihan — النساء) (Talata 165)
Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
[Nagsugo Kami ng] mga sugo bilang mga tagapagbalita ng nakagagalak at mga tagapagbabala upang hindi magkaroon ang mga tao laban kay Allāh ng isang katwiran matapos ng mga sugo. Laging si Allāh ay Makapangyarihan, Marunong. (165)
Tafsīr
Isinugo sila bilang mga tagapagbalita ng nakagagalak hinggil sa masaganang gantimpala sa sinumang sumampalataya kay Allāh at bilang mga tagapagpangamba sa sinumang tumangging sumampalataya sa Kanya sa pagdurusang masakit upang hindi magkaroon ang mga tao ng isang katwiran laban kay Allāh matapos ng pagsusugo sa mga sugo, na ipandadahilan nila. Laging si Allāh ay Makapangyarihan sa paghahari Niya, Marunong sa paghuhusga Niya.
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: