Surah An-Nisā’ (Ang mga Kababaihan — النساء) (Talata 16)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




4 An-Nisā’(النساء), Talata 16

وَاللَّذَانِ يَأْتِيَانِهَا مِنْكُمْ فَآذُوهُمَا ۖ فَإِنْ تَابَا وَأَصْلَحَا فَأَعْرِضُوا عَنْهُمَا ۗ إِنَّ اللَّهَ كَانَ تَوَّابًا رَحِيمًا 16 ١٦

Ang dalawang gumagawa nito kabilang sa inyo ay saktan ninyo silang dalawa. Kung nagbalik-loob silang dalawa at nagsaayos silang dalawa ay iwan ninyo silang dalawa. Tunay na si Allāh ay laging Palatanggap ng pagbabalik-loob, Maawain. (16)

Tafsīr
Ang dalawang gumagawa ng kahalayan ng pangangalunya kabilang sa kalalakihan – mga nakapag-asawa man o hindi mga nakapag-asawa – ay parusahan ninyo silang dalawa sa pamamagitan ng dila at kamay, na magsasakatuparan sa paghamak at pagsawata. Kaya kung kumalas silang dalawa sa dating gawi at umayos ang mga gawain nilang dalawa ay umayaw kayo sa pananakit sa kanilang dalawa dahil ang nagbabalik-loob mula sa pagkakasala ay gaya ng sinumang walang pagkakasala. Tunay na si Allāh ay laging Palatanggap ng pagbabalik-loob ng nagbalik-loob kabilang sa mga lingkod Niya, Maawain sa kanila. Ang pagkakasya sa uring ito ng parusa ay noong simula. Pagkatapos pinawalang-bisa ito matapos niyon sa pamamagitan ng paghahagupit sa birheng nangangalunya at pagpapatapon sa kanya, at ng pagbabato naman sa nakapag-asawa na.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba