Surah An-Nisā’ (Ang mga Kababaihan — النساء) (Talata 175)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




4 An-Nisā’(النساء), Talata 175

فَأَمَّا الَّذِينَ آمَنُوا بِاللَّهِ وَاعْتَصَمُوا بِهِ فَسَيُدْخِلُهُمْ فِي رَحْمَةٍ مِنْهُ وَفَضْلٍ وَيَهْدِيهِمْ إِلَيْهِ صِرَاطًا مُسْتَقِيمًا 175 ١٧٥

Kaya hinggil naman sa mga sumampalataya kay Allāh at nangunyapit sa Kanya, magpapapasok Siya sa kanila sa isang awa mula sa Kanya at isang kabutihang-loob at magpapatnubay Siya sa kanila tungo sa Kanya sa isang landasing tuwid. (175)

Tafsīr
Kaya tungkol naman sa mga sumampalataya kay Allāh at kumapit sa Qur'ān na pinababa Niya sa Propeta nila, maaawa sa kanila si Allāh sa pamamagitan ng pagpasok sa Paraiso, magdaragdag Siya sa kanila ng gantimpala at ng pag-angat sa mga antas, at magtatama Siya sa kanila para sa pagtahak sa daang tuwid na walang pagkabaluktot doon, ang daang nagpaparating tungo sa mga hardin ng Eden.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba