Surah An-Nisā’ (Ang mga Kababaihan — النساء) (Talata 176)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




4 An-Nisā’(النساء), Talata 176

يَسْتَفْتُونَكَ قُلِ اللَّهُ يُفْتِيكُمْ فِي الْكَلَالَةِ ۚ إِنِ امْرُؤٌ هَلَكَ لَيْسَ لَهُ وَلَدٌ وَلَهُ أُخْتٌ فَلَهَا نِصْفُ مَا تَرَكَ ۚ وَهُوَ يَرِثُهَا إِنْ لَمْ يَكُنْ لَهَا وَلَدٌ ۚ فَإِنْ كَانَتَا اثْنَتَيْنِ فَلَهُمَا الثُّلُثَانِ مِمَّا تَرَكَ ۚ وَإِنْ كَانُوا إِخْوَةً رِجَالًا وَنِسَاءً فَلِلذَّكَرِ مِثْلُ حَظِّ الْأُنْثَيَيْنِ ۗ يُبَيِّنُ اللَّهُ لَكُمْ أَنْ تَضِلُّوا ۗ وَاللَّهُ بِكُلِّ شَيْءٍ عَلِيمٌ 176 ١٧٦

Nagpapahabilin sila sa iyo. Sabihin mo: “Si Allāh ay naghahabilin sa inyo hinggil sa kalālah.” Kung may isang taong namatay na wala siyang isang anak at mayroon siyang isang babaing kapatid, ukol dito ang kalahati ng naiwan niya. Siya ay magmamana rito kung wala itong isang anak. Kung sila ay dalawang [babaing magkapatid], ukol sa kanilang dalawa ang dalawang katlo mula sa naiwan niya. Kung sila ay magkakapatid na mga lalaki at mga babae, ukol sa lalaki ang tulad sa parte ng dalawang babae. Naglilinaw si Allāh para sa inyo [ng mga patakaran] nang hindi kayo maligaw. Si Allāh, sa bawat bagay, ay Maalam. (176)

Tafsīr
Humihiling sila sa iyo, O Sugo, na magtagubilin ka sa kanila sa pumapatungkol sa pagpapamana ng kalālah. Ang kalālah ay ang sinumang namatay at hindi nag-iwan ng isang magulang ni isang anak. Sabihin mo: "Si Allāh ay naglilinaw sa kahatulan sa pumapatungkol dito." Kung may namatay na isang taong walang ama at walang anak ngunit mayroon siyang isang babaing kapatid sa mga magulang o isang babaing kapatid sa ama niya, ukol dito ang kalahati ng naiwan niya na ari-arian bilang isang isinatungkuling pamana samantalang ang lalaking kapatid niya sa mga magulang o sa ama ay magmamana ng naiwan niya na ari-arian bilang isang ta`ṣīb (pagmamana ng tira) kung walang kasama iyon na isang inuukulan ng isinatungkuling pamana, ngunit kung may kasama iyon na inuukulan ng isinatungkuling pamana ay mamanahin nito ang natira matapos niyon. Kung dumami ang mga babaing kapatid sa mga magulang o sa ama – sila ay dalawa o higit pa – magmamana ang dalawa o magmamana ang higit sa dalawa ng dalawang katlo (2/3) bilang isang isinatungkuling pamana. Kung ang magkakapatid sa mga magulang o sa ama ay may mga lalaki at mga babae, magmamana sila sa pamamagitan ng ta`ṣīb (pagmamana ng tira) alinsunod sa patakarang "ukol sa lalaki ang tulad sa parte ng dalawang babae" sa pamamagitan ng pagdodoble sa bahagi ng lalaki kabilang sa kanila kaysa sa bahagi ng babae. Naglilinaw si Allāh sa inyo ng patakaran sa kalālah at iba pang mga patakaran sa pagpapamana nang hindi kayo maligaw sa usapin nito. Si Allāh, sa bawat bagay, ay Maalam: walang nakakukubli sa Kanya na anuman.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba