Surah An-Nisā’ (Ang mga Kababaihan — النساء) (Talata 1)
Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
O mga tao, mangilag kayong magkasala sa Panginoon ninyo na lumikha sa inyo mula sa nag-iisang kaluluwa, lumikha mula rito ng kabiyak nito, at nagkalat mula sa dalawang ito ng kalalakihang marami at kababaihan. Mangilag kayong magkasala kay Allāh, na naghihilingan kayo sa pamamagitan Niya, at sa mga kaanak. Tunay na si Allāh laging sa inyo ay Mapagmasid. (1)
Tafsīr
O mga tao, mangilag kayong magkasala sa Panginoon ninyo sapagkat Siya ang lumikha sa inyo mula sa nag-iisang kaluluwa, ang ama ninyong si Adan, lumikha mula kay Adan ng kabiyak nito, si Eva na ina ninyo, at nagpakalat mula sa dalawang ito sa mga dako ng lupa ng maraming tao: kalalakihan at kababaihan. Mangilag kayong magkasala kay Allāh na humihiling ang isa't isa sa inyo sa pamamagitan Niya sa pamamagitan ng pagsabi: "Humihiling ako sa iyo sa pamamagitan ni Allāh na gawin mo ang ganito." Mangilag kayo sa pagputol ng ugnayan sa mga kamag-anakan, na nag-uugnay sa pagitan ninyo. Tunay na si Allāh laging sa inyo ay Mapagmasid kaya walang nakaaalpas sa Kanya na anuman mula sa mga gawain ninyo, bagkus nag-iisa-isa Siya ng mga ito at gaganti Siya sa inyo sa mga ito.
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: