Surah An-Nisā’ (Ang mga Kababaihan — النساء) (Talata 20)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




4 An-Nisā’(النساء), Talata 20

وَإِنْ أَرَدْتُمُ اسْتِبْدَالَ زَوْجٍ مَكَانَ زَوْجٍ وَآتَيْتُمْ إِحْدَاهُنَّ قِنْطَارًا فَلَا تَأْخُذُوا مِنْهُ شَيْئًا ۚ أَتَأْخُذُونَهُ بُهْتَانًا وَإِثْمًا مُبِينًا 20 ٢٠

Kung nagnais kayo ng pagpapalit ng isang maybahay kapalit ng [ibang] maybahay at nagbigay kayo sa isa sa kanila ng isang bunton [ng regalo] ay huwag kayong kumuha mula rito ng anuman. Kukuha ba kayo nito bilang paninirang-puri at kasalanang malinaw? (20)

Tafsīr
Kung nagnais kayo, O mga asawa, ng pagdidiborsiyo ng isang maybahay at pagpapalit ng ibang asawa sa kanya, walang maisisisi sa inyo kaugnay roon. Kung kayo ay nagbigay ng maraming salapi bilang bigay-kaya sa pinagpasyahan ninyong hiwalayan, hindi pinapayagan para sa inyo na kumuha ng anuman mula roon sapagkat tunay na ang pagkuha ng ibinigay ninyo sa kanila ay maibibilang na isang paninirang-puring malinaw at isang kasalanang maliwanag.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba