Surah An-Nisā’ (Ang mga Kababaihan — النساء) (Talata 24)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




4 An-Nisā’(النساء), Talata 24

وَالْمُحْصَنَاتُ مِنَ النِّسَاءِ إِلَّا مَا مَلَكَتْ أَيْمَانُكُمْ ۖ كِتَابَ اللَّهِ عَلَيْكُمْ ۚ وَأُحِلَّ لَكُمْ مَا وَرَاءَ ذَٰلِكُمْ أَنْ تَبْتَغُوا بِأَمْوَالِكُمْ مُحْصِنِينَ غَيْرَ مُسَافِحِينَ ۚ فَمَا اسْتَمْتَعْتُمْ بِهِ مِنْهُنَّ فَآتُوهُنَّ أُجُورَهُنَّ فَرِيضَةً ۚ وَلَا جُنَاحَ عَلَيْكُمْ فِيمَا تَرَاضَيْتُمْ بِهِ مِنْ بَعْدِ الْفَرِيضَةِ ۚ إِنَّ اللَّهَ كَانَ عَلِيمًا حَكِيمًا 24 ٢٤

[Ipinagbawal din] ang mga nakapag-asawa kabilang sa mga babae maliban sa minay-ari ng mga kanang kamay ninyo, bilang pagtatakda ni Allāh para sa inyo. Ipinahintulot sa inyo ang anumang iba pa roon, [sa kundisyon] na maghangad kayo kapalit ng [bigay-kaya mula sa] mga yaman ninyo bilang mga nanananggalang sa pangangalunya hindi mga nangangalunya. Ang nagtamasa kayo mula sa kanila ay magbigay kayo sa kanila ng mga pabuya sa kanila bilang tungkuling regalo. Walang maisisisi sa inyo kaugnay sa nagkaluguran kayo matapos na ng [pagtatakda ng regalong] tungkulin. Tunay na si Allāh ay laging Maalam, Marunong. (24)

Tafsīr
Ipinagbawal sa inyo ang pag-aasawa ng mga may-asawa kabilang sa mga babae, maliban sa minay-ari ninyo sa pamamagitan ng pagbihag sa pakikibaka sa landas ni Allāh sapagkat ipinahihintulot para sa inyo ang pakikipagtalik sa kanila matapos ng pagkalinis ng mga sinapupunan nila sa pamamagitan ng isang pagreregla. Nagsatungkulin si Allāh niyon sa inyo bilang tungkulin. Nagpahintulot si Allāh sa inyo ng anumang iba pa roon na mga babae, na maghangad kayo kapalit ng mga yaman ninyo ng pagsanggalang sa pangangalunya ng sarili ninyo at pangangalaga sa kalinisan ng puri nito sa pamamagitan ng ipinahihintulot, nang hindi naglalayon ng pangangalunya. Ang [mga babaing] nagpakaligaya kayo sa kanila sa pamamagitan ng pag-aasawa ay magbigay kayo sa kanila ng mga bigay-kaya nila na ginawa ni Allāh bilang tungkuling regalong kinakailangan sa inyo. Walang kasalanan sa inyo kaugnay sa kinahantungan ng pagkakaluguran ninyo, nang matapos ng pagtatakda ng bigay-kayang kinakailangan, na pagdaragdag dito o pagpapalampas sa isang bahagi nito. Tunay na si Allāh ay laging Maalam sa nilikha Niya: walang nakakukubli sa Kanya mula sa kanila na anuman, Marunong sa pangangasiwa Niya at pagbabatas Niya.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba