Surah An-Nisā’ (Ang mga Kababaihan — النساء) (Talata 29)
Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
O mga sumampalataya, huwag kayong gumamit sa mga yaman ninyo sa pagitan ninyo sa kawalang-kabuluhan, maliban na ito ay maging isang kalakalan ayon sa pagkakaluguran mula sa inyo. Huwag kayong pumatay sa mga sarili ninyo; tunay na si Allāh laging sa inyo ay Maawain. (29)
Tafsīr
O mga sumampalataya kay Allāh at sumunod sa Sugo Niya, huwag kumuha ang iba sa inyo sa yaman ng iba ayon sa kawalang-kabuluhan gaya ng pandarambong, pagnanakaw, panunuhol, at iba pa, maliban na ang mga yaman ay maging mga yaman ng kalakalang namutawi buhat sa pagkakaluguran ng dalawang nagkokontratahan kaya ipinahihintulot para sa inyo ang pakikinabang sa mga ito at ang paggamit sa mga ito. Huwag kayong pumatay sa isa't isa, huwag pumatay ang isa sa inyo sa sarili niya, at huwag siyang magbulid nito sa kapahamakan. Tunay na si Allāh laging sa inyo ay Maawain. Bahagi ng awa Niya na nagbawal Siya ng paglabag sa mga buhay ninyo, mga ari-arian ninyo, at mga dangal ninyo.
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: