Surah An-Nisā’ (Ang mga Kababaihan — النساء) (Talata 2)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




4 An-Nisā’(النساء), Talata 2

وَآتُوا الْيَتَامَىٰ أَمْوَالَهُمْ ۖ وَلَا تَتَبَدَّلُوا الْخَبِيثَ بِالطَّيِّبِ ۖ وَلَا تَأْكُلُوا أَمْوَالَهُمْ إِلَىٰ أَمْوَالِكُمْ ۚ إِنَّهُ كَانَ حُوبًا كَبِيرًا 2 ٢

Ibigay ninyo sa mga ulila ang mga yaman nila. Huwag ninyong ipalit ang karima-rimarim ng kaaya-aya. Huwag ninyong kainin ang mga yaman nila kasama sa mga yaman ninyo. Tunay na ito ay laging isang kasalanang malaki. (2)

Tafsīr
Ibigay ninyo, O mga pinagbilinan, sa mga ulila (Sila ay ang mga nawalan ng mga ama nila habang hindi pa tumuntong sa pagbibinata at pagdadalaga) ang mga ari-arian nila nang buo kapag tumuntong sila sa pagbibinata at pagdadalaga at sila ay mga matino ang isip. Huwag ninyong ipalit ang ipinagbabawal sa ipinahihintulot sa pamamagitan ng pagkuha sa mamahaling mahusay ang kalidad mula sa mga ari-arian ng mga ulila at ng pagbibigay kapalit nito ng hamak na masama ang kalidad mula sa mga ari-arian ninyo. Huwag ninyong kunin ang mga ari-arian ng mga ulila na nakaugnay sa mga ari-arian ninyo. Tunay na iyon ay laging isang pagkakasala mabigat sa ganang kay Allāh.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba