Surah An-Nisā’ (Ang mga Kababaihan — النساء) (Talata 32)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




4 An-Nisā’(النساء), Talata 32

وَلَا تَتَمَنَّوْا مَا فَضَّلَ اللَّهُ بِهِ بَعْضَكُمْ عَلَىٰ بَعْضٍ ۚ لِلرِّجَالِ نَصِيبٌ مِمَّا اكْتَسَبُوا ۖ وَلِلنِّسَاءِ نَصِيبٌ مِمَّا اكْتَسَبْنَ ۚ وَاسْأَلُوا اللَّهَ مِنْ فَضْلِهِ ۗ إِنَّ اللَّهَ كَانَ بِكُلِّ شَيْءٍ عَلِيمًا 32 ٣٢

Huwag kayong magmithi ng ipinantangi ni Allāh sa ilan sa inyo higit sa iba. Ukol sa mga lalaki ay bahagi mula sa nakamit nila at ukol sa mga babae ay bahagi mula sa nakamit nila. Humingi kayo kay Allāh mula sa kabutihang-loob Niya. Tunay na si Allāh laging sa bawat bagay ay Maalam. (32)

Tafsīr
Huwag kayong magmithi, O mga mananampalataya, ng ipinantangi ni Allāh sa ilan sa inyo higit sa iba upang hindi humantong ito sa pagkainis at pagkainggit, kaya hindi nararapat para sa mga babae na umasam ng itinangi ni Allāh sa mga lalaki sapagkat tunay na ukol sa bawat pangkat ay isang bahagi ng ganti alinsunod dito. Humiling kayo kay Allāh na magdagdag Siya sa inyo ng bigay Niya. Tunay na si Allāh ay Maalam sa bawat bagay kaya nagbigay Siya sa bawat uri ng nababagay rito.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba