Surah An-Nisā’ (Ang mga Kababaihan — النساء) (Talata 42)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




4 An-Nisā’(النساء), Talata 42

يَوْمَئِذٍ يَوَدُّ الَّذِينَ كَفَرُوا وَعَصَوُا الرَّسُولَ لَوْ تُسَوَّىٰ بِهِمُ الْأَرْضُ وَلَا يَكْتُمُونَ اللَّهَ حَدِيثًا 42 ٤٢

Sa Araw na iyon ay mag-aasam ang mga tumangging sumampalataya at sumuway sa Sugo na kung sana itatabon sa kanila ang lupa. Hindi sila makapagtatago kay Allāh ng isang pag-uusap. (42)

Tafsīr
Sa dakilang Araw na iyon ay mag-aasam ang mga tumangging sumampalataya kay Allāh at sumuway sa Sugo Niya na kung sana sila ay naging alabok kaya sila at ang lupa naging magkapantay. Walang naikukubli kay Allāh na anuman mula sa ginawa nila dahil si Allāh ay magpipinid sa mga dila nila kaya hindi makabibigkas ang mga ito at magpapahintulot Siya sa mga bahagi ng katawan nila kaya sasaksi ang mga ito laban sa kanila sa ginawa nila.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba