Surah An-Nisā’ (Ang mga Kababaihan — النساء) (Talata 43)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




4 An-Nisā’(النساء), Talata 43

يَا أَيُّهَا الَّذِينَ آمَنُوا لَا تَقْرَبُوا الصَّلَاةَ وَأَنْتُمْ سُكَارَىٰ حَتَّىٰ تَعْلَمُوا مَا تَقُولُونَ وَلَا جُنُبًا إِلَّا عَابِرِي سَبِيلٍ حَتَّىٰ تَغْتَسِلُوا ۚ وَإِنْ كُنْتُمْ مَرْضَىٰ أَوْ عَلَىٰ سَفَرٍ أَوْ جَاءَ أَحَدٌ مِنْكُمْ مِنَ الْغَائِطِ أَوْ لَامَسْتُمُ النِّسَاءَ فَلَمْ تَجِدُوا مَاءً فَتَيَمَّمُوا صَعِيدًا طَيِّبًا فَامْسَحُوا بِوُجُوهِكُمْ وَأَيْدِيكُمْ ۗ إِنَّ اللَّهَ كَانَ عَفُوًّا غَفُورًا 43 ٤٣

O mga sumampalataya, huwag kayong lumapit sa pagdarasal habang kayo ay mga lasing hanggang sa makaalam kayo sa sinasabi ninyo ni habang mga kailangang-maligo, malibang mga tumatawid sa landas [ng pagdarasalan], hanggang sa makapaligo kayo. Kung kayo ay mga may-sakit o nasa isang paglalakbay, o dumating ang isa sa inyo mula sa palikuran, o sumaling kayo ng mga babae at hindi kayo nakatagpo ng tubig, ay magsadya kayo sa isang lupang kaaya-aya saka #magpahid kayo sa mga mukha ninyo at mga kamay ninyo. Tunay na si Allāh ay laging Mapagpaumanhin, Mapagpatawad. (43)

Tafsīr
O mga sumampalataya kay Allāh at sumunod sa Sugo Niya, huwag kayong magdasal habang kayo ay nasa kalagayan ng kalasingan hanggang sa magkamalay kayo mula sa kalasingan ninyo at makatalos kayo sa sinasabi ninyo – ito noon ay bago ng pagbabawal ng alak nang lubusan; huwag kayong magdasal habang kayo ay nasa kalagayan ng janābah (pangangailangang maligo dahil sa pakikipagtalik) at huwag kayong pumasok sa mga masjid sa kalagayan nito, malibang habang mga tumatawid nang walang pananatili sa mga ito hanggang sa makapaligo kayo. Kung dinapuan kayo ng sakit na hindi maaari sa inyo ang paggamit ng tubig kasabay nito, o kayo ay mga naglalakbay, o nasira ang kadalisayan ng isa sa inyo, o nakipagtalik kayo sa mga maybahay, at hindi kayo nakatagpo ng tubig, magsadya kayo sa isang malinis na lupa [at itapik ang mga palad dito] saka ihaplos ninyo sa mga mukha ninyo at mga kamay ninyo. Tunay na si Allāh ay laging Mapagpaumanhin sa pagkukulang ninyo, Mapagpatawad sa inyo.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba