Surah An-Nisā’ (Ang mga Kababaihan — النساء) (Talata 45)
Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
Si Allāh ay higit na maalam sa mga kaaway ninyo. Nakasapat si Allāh bilang Katangkilik at nakasapat si Allāh bilang Mapag-adya. (45)
Tafsīr
Si Allāh – kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan – ay higit na maalam kaysa sa inyo sa mga kaaway ninyo, O mga mananampalataya, kaya nagpabatid Siya sa inyo hinggil sa kanila at naglinaw Siya para sa inyo sa pagkamuhi nila. Nakasapat si Allāh bilang Katangkilik na mag-iingat sa inyo laban sa pinsala nila at nakasapat si Allāh bilang Mapag-adyang magtatanggol sa inyo laban sa pakana nila at pananakit nila at mag-aadya sa inyo laban sa kanila.
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: