Surah An-Nisā’ (Ang mga Kababaihan — النساء) (Talata 47)
Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
O mga binigyan ng Kasulatan, sumampalataya kayo sa ibinaba Namin bilang tagapagpatotoo para sa taglay ninyo bago pa Kami bumura ng mga mukha para magpabaling sa mga ito sa mga likuran ng mga ito, o sumumpa Kami sa kanila gaya ng pagsumpa Namin sa mga lumabag sa Sabath. Laging ang utos ni Allāh ay nagagawa. (47)
Tafsīr
O mga binigyan ng Kasulatan kabilang sa mga Hudyo at mga Kristiyano, sumampalataya kayo sa pinababa ni Allāh kay Muḥammad – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – na dumating bilang tagapagpatotoo para sa taglay ninyo na Torah at Ebanghelyo bago pa Siya pumawi ng nasa mga mukha na mga pandama at maglagay ng mga ito sa dako ng mga likuran nila, o magtaboy Siya sa kanila palayo sa awa Niya gaya ng pagtaboy Niya mula rito sa mga lumabag sa Sabath, na mga lumabag dahil sa pangingisda sa araw na ito matapos ng pagsaway sa kanila laban doon, kaya nagpaanyo sa kanila si Allāh bilang mga unggoy. Ang utos Niya – pagkataas-taas Siya – at ang pagtatakda Niya ay laging magaganap nang walang pasubali.
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: