Surah An-Nisā’ (Ang mga Kababaihan — النساء) (Talata 49)
Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
Hindi ka ba tumingin sa mga nagbubusilak ng mga sarili nila? Bagkus si Allāh ay nagbubusilak ng sinumang niloloob Niya. Hindi sila lalabagin sa katarungan nang gahibla. (49)
Tafsīr
Hindi ka ba nakaalam, O Sugo, sa kalagayan ng mga nagpapapuring iyon ng pagpupuri ng pagmamalinis sa mga sarili nila at mga gawain nila? Bagkus si Allāh – tanging Siya – ay ang nagpapapuri sa sinumang niloob Niya kabilang sa mga lingkod Niya at naglilinis sa kanila dahil Siya ay nakaaalam sa mga ikinukubli ng mga puso. Hindi sila babawasan ng anuman mula sa gantimpala ng mga gawa nila, kahit pa man kasing liit ng hiblang nasa buto ng datiles.
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: