Surah An-Nisā’ (Ang mga Kababaihan — النساء) (Talata 54)
Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
O naiinggit ba sila sa mga tao dahil sa ibinigay ni Allāh sa mga ito mula sa kabutihang-loob Niya? Nagbigay nga Kami sa angkan ni Abraham ng Kasulatan at Karunungan, at nagbigay Kami sa mga ito ng isang paghaharing dakila [sa panahon ni Solomon]. (54)
Tafsīr
Bagkus naiinggit sila kay Muḥammad – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – at mga Kasamahan nito dahil sa ibinigay ni Allāh sa mga ito na pagkapropeta, pananampalataya, at pagpapakapangyarihan sa lupa? Kaya bakit sila naiinggit sa mga ito gayong nauna nang nagbigay si Allāh sa mga supling ni Abraham ng Kasulatan na ibinaba at ng ikinasi Niya sa kanila bukod pa sa Kasulatan? Nagbigay Siya sa kanila ng isang paghaharing malawak sa mga tao.
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: