Surah An-Nisā’ (Ang mga Kababaihan — النساء) (Talata 55)
Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
Mayroon sa kanila ang sumasampalataya sa kanya at mayroon sa kanila ang tumututol sa kanya. Nakasapat ang Impiyerno bilang liyab. (55)
Tafsīr
Mayroon sa mga May Kasulatan na sumampalataya sa pinababa ni Allāh kay Abraham – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan – at sa mga propeta Niya kabilang sa mga supling nito. Mayroon sa kanila na umayaw sa pagsampalataya sa Kanya. Ito ay ang paninindigan nila sa pinababa kay Propeta Muḥammad – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan. Ang Apoy ay ang pagdurusang itutumbas sa sinumang tumangging sumampalataya kabilang sa kanila.
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: