Surah An-Nisā’ (Ang mga Kababaihan — النساء) (Talata 56)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




4 An-Nisā’(النساء), Talata 56

إِنَّ الَّذِينَ كَفَرُوا بِآيَاتِنَا سَوْفَ نُصْلِيهِمْ نَارًا كُلَّمَا نَضِجَتْ جُلُودُهُمْ بَدَّلْنَاهُمْ جُلُودًا غَيْرَهَا لِيَذُوقُوا الْعَذَابَ ۗ إِنَّ اللَّهَ كَانَ عَزِيزًا حَكِيمًا 56 ٥٦

Tunay na ang mga tumangging sumampalataya sa mga tanda Namin ay magsusunog Kami sa kanila sa Apoy. Sa tuwing naluto ang mga balat nila magpapalit Kami sa kanila ng mga balat na iba sa mga ito upang lumasap sila ng pagdurusa.Tunay na si Allāh ay laging Makapangyarihan, Marunong. (56)

Tafsīr
Tunay na ang mga tumangging sumampalataya sa mga tanda Namin ay magpapasok Kami sa kanila sa Araw ng Pagbangon sa Apoy na papalibot sa kanila. Sa tuwing sinunog ang mga balat nila ay magpapalit Kami sa kanila ng mga ibang balat na iba sa mga ito upang magpatuloy sa kanila ang pagdurusa. Tunay na si Allāh ay laging Makapangyarihan: walang dumadaig sa Kanya na anuman, Marunong sa pinangangasiwaan Niya at hinahatulan Niya.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba