Surah An-Nisā’ (Ang mga Kababaihan — النساء) (Talata 5)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




4 An-Nisā’(النساء), Talata 5

وَلَا تُؤْتُوا السُّفَهَاءَ أَمْوَالَكُمُ الَّتِي جَعَلَ اللَّهُ لَكُمْ قِيَامًا وَارْزُقُوهُمْ فِيهَا وَاكْسُوهُمْ وَقُولُوا لَهُمْ قَوْلًا مَعْرُوفًا 5 ٥

Huwag kayong magbigay sa mga hunghang ng mga yaman ninyo na ginawa ni Allāh para sa inyo bilang pantaguyod. Tumustos kayo sa kanila sa mga ito, magpadamit kayo sa kanila, at magsabi kayo sa kanila ng isang pagsabing nakabubuti. (5)

Tafsīr
Huwag kayong magbigay, O mga tagatangkilik, ng mga yaman sa mga hindi mahusay mangasiwa sapagkat ang mga ari-ariang ito ay ginawa ni Allāh bilang kadahilanang naitataguyod sa pamamagitan nito ang mga kapakanan ng mga tao at ang mga nauukol sa kabuhayan nila. Ang mga ito ay hindi karapat-dapat sa pagtataguyod sa mga yaman at pangangalaga sa mga ito. Gumugol kayo sa kanila, magpadamit kayo sa kanila, magsabi kayo sa kanila ng isang sinasabing kaaya-aya, at mangako kayo sa kanila ng isang magandang pangako na ibibigay ninyo sa kanila ang yaman nila kapag tumuntong sila sa kasapatang gulang at kahusayan ng pangangasiwa.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba