Surah An-Nisā’ (Ang mga Kababaihan — النساء) (Talata 75)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




4 An-Nisā’(النساء), Talata 75

وَمَا لَكُمْ لَا تُقَاتِلُونَ فِي سَبِيلِ اللَّهِ وَالْمُسْتَضْعَفِينَ مِنَ الرِّجَالِ وَالنِّسَاءِ وَالْوِلْدَانِ الَّذِينَ يَقُولُونَ رَبَّنَا أَخْرِجْنَا مِنْ هَٰذِهِ الْقَرْيَةِ الظَّالِمِ أَهْلُهَا وَاجْعَلْ لَنَا مِنْ لَدُنْكَ وَلِيًّا وَاجْعَلْ لَنَا مِنْ لَدُنْكَ نَصِيرًا 75 ٧٥

Ano ang [pumipigil] sa inyo? Hindi kayo nakikipaglaban alang-alang sa landas ni Allāh at ng mga minamahina kabilang sa mga lalaki, mga babae, at mga bata, na nagsasabi: “Panginoon namin, magpalisan Ka sa amin mula sa pamayanang ito [ng Makkah], na tagalabag sa katarungan ang mga naninirihan dito, magtalaga Ka para sa amin mula sa ganang Iyo ng isang katangkilik, at magtalaga Ka para sa amin mula sa ganang Iyo ng isang mapag-adya.” (75)

Tafsīr
Ano ang pumipigil sa inyo, O mga mananampalataya, sa pakikibaka ayon sa landas ni Allāh para sa pagtataas ng Salita Niya at para sa pagsasagip ng mga minamahina kabilang sa mga lalaki, mga babae, at mga paslit, na dumadalangin kay Allāh, na mga nagsasabi: "O Panginoon namin, magpalisan Ka sa amin mula sa Makkah dahil sa paglabag sa katarungan ng mga naninirihan dito dahil sa pagtatambal sa Iyo at pangangaway sa mga lingkod Mo, magtalaga Ka para sa amin mula sa ganang Iyo ng isang tatangkilik sa kapakanan namin sa pamamagitan ng pag-aalaga at pangangalaga, at ng isang mapag-adyang magtutulak palayo sa amin ng kapinsalaan."

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba