Surah An-Nisā’ (Ang mga Kababaihan — النساء) (Talata 77)
Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
Hindi ka ba nakaalam sa mga sinabihan: “Magpigil kayo ng mga kamay ninyo, magpanatili kayo ng pagdarasal, at magbigay kayo ng zakāh,” ngunit noong itinakda sa kanila ang pakikipaglaban biglang may isang pangkat kabilang sa kanila na natatakot sa mga tao gaya ng pagkatakot kay Allāh o higit na matindi sa pagkatakot? Nagsabi sila: “Panginoon Namin, bakit Ka nagtakda sa amin ng pakikipaglaban? Bakit kasi hindi Ka nag-antala sa amin sa maikling taning?” Sabihin mo: “Ang natatamasa sa Mundo ay kakaunti at ang Kabilang-buhay ay higit na mabuti para sa sinumang nangilag magkasala. Hindi kayo lalabagin sa katarungan nang gahibla.” (77)
Tafsīr
Hindi ka ba nakaalam, O Sugo, sa lagay ng ilan sa mga Kasamahan mo, na humiling na isatungkulin sa kanila ang pakikibaka kaya sinabihan sila: "Magpigil kayo ng mga kamay ninyo sa pakikipaglaban, magpanatili kayo ng pagdarasal, at magbigay kayo ng zakāh." Iyon ay bago ng pagsasatungkulin ng pakikibaka, ngunit noong lumikas sila sa Madīnah at ang Islām ay naging malakas at isinatungkulin ang pakikipaglaban, humirap iyon sa ilan sa kanila at sila ay naging nangangamba sa mga tao gaya ng pangangamba nila kay Allāh o higit na matindi pa. Nagsabi sila: "O Panginoon Namin, bakit Ka nagsatungkulin sa amin ng pakikipaglaban? Bakit kaya hindi Ka nag-antala nito sa maikling yugto hanggang sa magtamasa kami sa Mundo?" Sabihin mo sa kanila, O Sugo: "Ang natatamasa sa Mundo saanman umabot ay kakaunti, maglalaho. Ang Kabilang-buhay ay higit na mabuti para sa sinumang nangilag magkasala kay Allāh – pagkataas-taas Siya – dahil sa pamamalagi ng anumang naroon na lugod. Hindi kayo babawasan sa mga gawa ninyong maayos ng anuman, kahit pa man kasing laki ng hiblang nasa buto ng datiles."
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: